Pambungad Na Awit
Tanda Ng Krus
P: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
A: Amen.
P: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat.
A: At sumaiyo rin.
Pagsisi Ng Kasalanan
P: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.
Manahimik sumandali
A: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos, at sa inyo, mga kapatid na lubha akong nagkasala sa isip, sa salita, sa gawa, at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga bana Sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipinalangin sa Panginoong ating Diyos.
P: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
A: Amen.
Kyrie
P: Panginoon, kaawaan mo kami.
A: Panginoon, kaawaan mo kami.
P: Kristo, kaawaan mo kami.
A: Kristo, kaawaan mo kami.
P: Panginoon, kaawaan mo kami.
A: Panginoon, kaawaan mo kami.
Pambungad Na Panalangin
P: Manalangin tayo.
P: Panalangin… Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesukristong aming Panginoon.
A: Amen.
Liturhiya Ng Salita Ng Diyos
Unang Pagbasa
R: Unang Pagbasa
R: Ang Salita ng Diyos.
A: Salamat sa Diyos.
Salmong Tugunan
Haleluja
Magsitayo ang lahat.
P: Haleluja
Ebanghelyo
P: Sumainyo ang Panginoon.
A: At sumaiyo rin.
P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay N.
A: Papuri sa iyo, Panginoon.
P: Ebanghelyo
P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
A: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
Homiliya
Magsi-upo ang lahat.
Homiliya
Magsitayo ang lahat.
Panalangin ng Bayan
R: Panalangin
A: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
Liturhiya Ng Eukaristiya
Offertory
Magsi-upo ang lahat.
R: Offertory
Magsitayo ang lahat.
P: Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.
A: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay, sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.
Panalangin Sa Mga Alay
P: Panalangin
A: Amen.
Prepasyo
P: Sumainyo ang Panginoon.
A: At sumaiyo rin.
P: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
A: Itinaas na namin sa Panginoon.
P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
A: Marapat na siya ay pasalamatan.
P: Panalangin
A: Santo, Santo, Santo, Panginoong Diyos ng mga Hukbo. Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo. Osana sa kaitaasan. Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon. Osana sa Kaitaasan.
Magsiluhod ang lahat.
P: Panalangin
P: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.
A: Si Kristo’y namatay. Si Kristo’y nabuhay. Si Kristo’y babalik sa wakes ng panahon.
P: Panalangin
A: Amen.
Ang Pakikinabang
Lord's Prayer
Magsitayo ang lahat.
P: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-loob:
A: Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawain mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng masama.
P: Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinanabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng tagapagligtas naming si Hesukristo.
A: Sapagka’t sa iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailanman. Amen.
Kapayapaan
P: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga apostol: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.” Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban. Kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
A: Amen.
P: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.
A: At sumaiyo rin.
P: Magbigayan tayo ng kapayapaan sa isa’t-isa.
A: Kapayapaan.
Pagbasag Ng Tinapay
Magsiluhod ang lahat.
P: Pagbasag ng tinapay
A: Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Banal na Komunyon
P: Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang inaanyayahan sa kanyang piging.
A: Panginoon, hindi ako karapat-dapat magpatuloy sa iyo. Nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Banal na Komunyon
P: Katawan ni Kristo.
A: Amen.
Banal na Komunyon
P: Dugo ni Kristo.
A: Amen.
Panalangin Pagkatapos Ng Banal Na Komunyon
Magsitayo ang lahat.
P: Panalangin
A: Amen.
Paghayo Sa Pagwawakas
Announcements
Pagbabasbas
Magsitayo ang lahat.
P: Sumainyo ang Panginoon.
A: At sumaiyo rin.
P: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo.
A: Amen.
Dismissal
P: Tapos na ang Misa. Humayo kayo sa kapayapaan.
A: Salamat sa Diyos.